Minaliit ni CPP Founder Jose Maria Sison ang nakatakdang pag-aresto sa kaniya ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kasong murder.
Ayon kay Sison, protektado siya ng Refugee Convention and the European Convention on Human rights dahil siya ay kinikilala bilang isang political refugee.
Giit pa ni Sison, hindi otorisado ang gobyerno ng Pilipinas para siya ay arestuhin at wala aniyang Extradition treaty ang bansa at The Netherlands kaya imposible umanong mapabalik siya sa bansa.
Binanggit pa ni Sison ang aniya’y pangit na reputasyon ng administrasyong Duterte dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao at pagiging “mass murderer”.
Una rito, napaulat ang planong hakbang ng PNP na magpatulong sa International Criminal Police Cooperation (INTERPOL) para arestuhin si Sison.