Nagpasalamat si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte sa alok nito na makipag one-on-one sa kaniya.
Ngunit ayon kay Sison, masyado pang maaga para umuwi siya ng Pilipinas dahil hindi pa nalalagdaan ang comprehensive agreement on social and economic reforms –giit ni Sison, dapat muna itong tapusin sa ibang bansa.
Gayunman, handa naman umano siyang makipag-usap sa pangulo ngunit hindi sa Pilipinas at kapag pormal na ring binuhay ang peace talks.