Abala rin ang New People’s Army (NPA) sa pakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID -19).
Ayon kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison, walang panahon ang npa para umatake sa mga puwersa ng pamahalaan na ngayon ay nasa unilateral ceasefire.
Gayunman, tiniyak ni Sison na handa ang npa na idepensa ang kanilang hanay sakaling magsagawa ng opensiba ang militar.
Una rito, inakusahan ni Presidential Adviser On The Peace Process Carlito Galvez ang NPA na nasa likod ng pagpatay kay Manobo Tribal Chieftain Datu Bernardino Austidillo at dating rebelde na si Zaldy Ibanez sa San Miguel, Surigao Del Sur.
Hinarass rin umano ng NPA ang patrol base ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Guihulngan City sa Negros Oriental, isang araw matapos magdeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan.