Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Globe Telecom sa kanilang mga customer na naabala sa nangyaring aberya sa kanilang sistema.
Ito’y makaraang makaranas ng system issue ang Globe na nakaapekto sa kanilang text, call at data services partikular na para sa mga prepaid subscribers.
Ayon kay Yoly Crisanto, Senior Vice President for Corporate Corporations, naisaayos na nila ang naturang problema bagama’t apektado pa rin nito ang kanilang data services.
Subalit pagsusumikapan pa rin aniya ng Globe na maibalik sa normal ang kanilang serbisyo sa lalong madaling panahon.
Kahapon, ilang mga subscriber ng Globe ang nagpahayag sa social media na nakatatawag sila ng libre kahit na sila’y walang load.
—-