Dapat irespeto ng Pilipinas ang sistema ng International Criminal Court o ICC bilang responsableng miyembro ng International Community.
Ito ang inihayag ni Senador Koko Pimentel sa gitna ng ilalargang imbestigasyon ng ICC Sa war on drugs ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ni Pimentel na ang ICC ay isang international body na nilikha sa pamamagitan ng tratado at hindi ito maaaring kontrolin.
Pinapurihan naman ni Senador Leila De Lima ang pagsisimula ng preliminary investigation ng ICC sa umano’y mga pagpatay sa ilalim ng “war on drugs” ng Duterte administration.
Umaasa si De Lima na hindi na magtatagal ay maglalabas na rin ng warrants of arrest ang naturang korte laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng sinasabing Davao death squad. —sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)