Muli na namang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang lisanin anumang oras ang kaniyang puwesto.
Ito aniya’y kung magagarantiya sa kaniya ng Kongreso ang pagbuo ng bagong Saligang Batas na magbabago sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas.
Sa kaniyang pagharap sa Anti-Corruption Summit na inorganisa ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sinabi ng Pangulo na depektibo na kasi ang kasalukuyang Saligang Batas kaya’t talamak na aniya ang katiwalian sa pamahalaan.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang procurement law o ang sistema ng bidding sa mga proyekto ng pamahalaan na pinaka-ugat aniya ng katiwalian.
—-