Plano ng Department of Public Works and Highways na magtatag ng inter-agency task force upang lumikha ng sistemang mag-ko-consolidate ng mga dokumento at datos ng mga public project.
Ito ang inihayag ni Andro Santiago, hepe ng Stakeholders Affairs Division, Stakeholders Relations Service ng DPWH, sa launching ng research ng Philippine Center for Investigative Journalism na “public contracting in the Philippines: breakthroughs and barriers.”
Ayon kay Santiago, kailangang lumikha ng mekanismo upang mapadali at mas maging accessible ang mga impormasyon sa mga infrastructure project partikular ang mga nasa ilalim ng build, build, build program ng Duterte administration.
Aminado ang DPWH official na isang malaking hamon pa rin ang pagsubaybay at pag-monitor sa mga public works project dahil sa limitadong access sa public data and information lalo’t hindi naman lahat ng ahensya ay nagsasapubliko ng mga dokumentong may kaugnayan sa procurements ng mga government infrastructure project.