Pinapurihan ng pribadong sektor sa Lungsod ng Taguig ang maagap na pagtugon ng kanilang Lokal na Pamahalaan upang labanan ang COVID-19.
Ayon kay Jay Teodoro, Chief Operating Officer ng Fort Bonifacio Development Corporation, bago pa man pumutok sa bansa ang pandemiya ay may nakalatag nang ugnayan ang Taguig LGU sa kanila kung paano maiiwasang kumalat ang kaso sa kanilang lugsod.
Among the cities in the National Capital Region, Taguig has the fewest Covid-19 positive cases which mean that Taguig is doing something right (in) fighting against Covid-19. Even before the first Covid-19 case has been detected, (we’re) prepared (via information) drives, testing areas, and isolations. This is very nice (and) we can see that Taguig is one step ahead so we continue to support the city and this fight against Covid-19,” pahayag ni Fort Bonifacio Development Corporation COO Jay Teodoro.
Binigyang diin ni Teodoro ang kahalagahan ng pakikiisa ng lahat sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols at boluntaryong pagbabakuna kontra COVID anuman ang brand nito.
Dahil dito, naniniwala si Teodoro na mabilis na magbabalik ang sigla ng ekonomiya ng lungsod dahil sa mabilis at maagap na pagtugon ng lokal na Pamahalaan sa pagsugpo ang pandemiya.
Nagpasalamat naman si Taguig City Mayor Lino Cayetano sa pribadong sektor dahil sa kanilang masugid na pagsunod at pakikiisa sa kanilang mga hakbang upang mabilis na makabangon sa epektong dulot ng COVID 19.