Humirit si Sister Patricia Fox sa Bureau of Immigration ng tourist visa para mapalawig ang kanyang pananatili sa bansa.
Ito ay matapos na pagtibayin ng BI ang deportation order laban sa australyanong madre dahil sa paglabag umano sa mga kondisyon ng pananatili niya sa bansa bilang missionary visa holder.
Nais ni Fox na pagkalooban muna siya ng tourist visa habang dinidinig ang kanyang apela sa Department of Justice.
Nakatakdang mapaso ang missionary visa ni Fox sa September 5.