Nagsagawa ng site inspection ang liderato ng Kamara sa New Clark City sa Capas, Tarlac na pagdarausan ng 2019 SEA Games.
Pinangunahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng SEA Games organizing committee at House Committee on Youth and Sports Development ang site inspection para tiyaking walang magiging aberya sa pagdaraos ng SEA games sa bansa.
Itatayo rin sa mahigit 9,000 ektaryang lupain na dinivelop ng BCDA ang Philippine High School for Sports.
Karamihan sa events sa SEA Games ay gaganapin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga sa pamamagitan ng Clark Development Corporation bukod pa sa Subic Freeport Zone sa Zambales katuwang ang SBMA.
Sa Metro Manila naman gaganapin ang basketball at volleyball events.