Inihayag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na naging mas maayos ngayon ang sitwasyon ng bansa partikular sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay David, bumaba sa mahigit 400 mula sa mahigit 500 ang COVID-19 average daily cases ngayong buwan ng Nobyembre.
Nasa 0.37% naman ang reproduction number ngayong taon na mas mababa kumpara sa 0.78% na naitala noong nakaraang taon.
Mas mababa rin ngayong taon ang average daily attack rate (ADAR) na nasa 2.86% nalang mula sa 3.63% noong nakaraang taon.
Sa ngayon, bumaba din sa 4% mula sa 6% ang positivity rate sa NCR ngayong taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero