Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nananatili parin sa hydrothermal unrest o hindi pa rin ligtas ang mga residente na bumalik sa kanilang lugar dahil nagpapatuloy parin ang degassing ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Nabatid na hindi parin humihinto ang mga ashfall dahil sa muling pag-alburoto ng Mt. Bulusan.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang light ashfall sa Catanusan, Juban, Sorsogon at sa upper northwest slopes ng Bulusan Volcano.
Sa ngayon, patuloy paring pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions.
Samantala, pinapayuhan naman ang publiko na manatiling mapagmatyag sa pagpasok sa two-kilometer extended danger zone, na nasa timog-silangan ng Bulkang Bulusan.