Naniniwala ang isang eksperto na talagang gumaganda na ang COVID-19 situation ng bansa.
Ayon kay DOH Technical Advisory Group at Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvana na kahit ang ilang na-detect na tinamaan ng bagong variants dito sa Pilipinas, mild o hindi naman malala ang naging sintomas ng mga ito.
Ayon sa eksperto, nakamit ng bansa ang tagumpay na ito dahil na rin sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor at ng publiko sa mga aksyon na inilatag ng pamahalaan.
Kaya ngayong patungo na ang bansa sa tinatawag na endemicity, napakahalaga aniya na hindi malimutan ang mga aral na ating natutunan sa pandemyang ito.