Hindi pa nakakaalarma ang sitwasyon ng COVID-19 sa buong bansa.
Ito ay iginiit ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, matapos ilabas ng Department of Health (DOH) ang ulat kung saan nasa labing apat na lugar na nasa Alert Level 1 ang nakitaan umano ng bahagyang pagtaas ng Covid-19.
Ipinabatid ni David na nananatiling mababa ang positivity rate sa buong bansa na nasa 1.6 %.
Maging sa metro manila ay may 6% na positivity rate na maituturing na mababa pa rin at asahan ang patuloy na pagbaba nito.
Aniya, hindi dapat mangamba ang publiko sa ganitong sitwasyon ng COVID sa bansa.