Sisilipin na rin ng National Task Force Against coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang sitwasyon ng COVID-19 sa Leyte.
Itoy matapos na maputol ang 80 day streak na zero COVID-19 case ang lalawigan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magtutungo sila ni Chief Implementer Carlito Galvez sa Leyte upang tignan kung ano ang puwedeng maitulong sa lalawigan.
Tiniyak rin ni Año na maghihigpit pa sila sa pagpapauwi ng mga locally stranded individuals.
Matatandaan na napasok ng COVID-19 ang Leyte matapos ang sunod sunod na pagpapatupad sa balik probinsya, pagpauwi sa mga OFW’s at locally stranded individuals.