Bahagyang lumala ang sitwasyon ng internet freedom o ang kalayaan sa pagpapahayag gamit ang internet sa bansa.
Batay ito sa pag-aaral ng Freedom House, isang human rights advocacy group, kung saan nakakuha ang Pilipinas ng score na 28 sa kanilang freedom on the net 2017 report.
Mas mababa ito ng dalawang puntos mula sa nakuhang score ng bansa noong nakaraang taon.
Batay sa report, isa ang Pilipinas sa mga bansang nagpapakilos ng mga bayarang online commenters o trolls para manipulahin ang social media at opinyon ng publiko.
Nabanggit din ang pag-amin ng isang self confessed member ng tinatawag na keyboard army na nakatatanggap aniya siya ng limang daang piso kada araw sa pag-hawak ng mga pekeng social media accounts na sumusuporta sa Pangulo at umaatake sa mga detractors nito.
Ang Freedom on the Net report ay nakabatay sa ilang mga indicators tulad ng mga balakid sa pag-access, paglimita sa mga nilalaman at mga paglabag sa karapatan ng mga internet users.