Tiniyak ng pamahalaan na patuloy nilang tinututukan ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Worker o OFW sa gitnang silangan partikular na sa Saudi Arabia
Ito’y makaraang mawalan ng trabaho ang maraming Pilipino sa nasabing bansa kasunod ng ipinatutupad na crakdown o malawakang sibakan sa trabaho ruon
Ayon kay Asst/Sec. Charles Jose, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, may mga opisyal at tauhan na ang gubyerno sa saudi arabia para alamin ang sitwasyon ng mga Pilipino ruon
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang embahada ng Pilipinas duon sa mga employer ng mga Pilipino upang matiyak na maibibigay pa rin ang kanilang benepisyo
Una na rito, pinamamadali na ng Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang pagpapauwi sa mga Pilipino sa Saudi
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 25 ) Allan Francisco