Patuloy na nagsisikap ang pamahalaan na matugunan ang labor situation sa bansa.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos lumabas sa pag-aaral ng Ibon Foundation na lumaki ang bilang ng mga underemployed at mga part time workers sa bansa.
Sa kabila nito ay iginiit ni Roque na bagamat dumami ang underemployed at part time workers, patuloy namang lumalaki ang bilang ng mga may trabaho sa bansa.
Halos apatnapu’t dalawang (42) milyon na aniya ang may trabaho hanggang Enero ng taong ito kumpara sa 39.3 million noong January 2017.
Una rito, lumabas sa pag-aaral ng Ibon Foundation na mahigit isang milyon ang naidagdag sa dating 6.4 million na underemployed o yung naghahanap pa ng karagdagang trabaho o pagkakakitaan.
Umabot na rin sa 14.7 million ang bilang ng part time workers nitong January 2018 mula sa dating 13.4 million noong January 2017.
—-