Positibo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sitwasyon ngayon ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Undersecretary Jojo Garcia, nag-improved na ang sitwasyon ng trapiko ngayong kakaunti na lang ang bus stops sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.
Ani Garcia, nawabasan ang travel time mula Monumento hanggang Cubao kung saan mula sa tatlong oras ay isang oras na lamang ito.
Inaasahan pa aniyang mas mababawasan ang travel time ng mga commuter sa oras na matapos na ang mga ginagawa pa ngayong infrastructure projects na makatutulong para maibsan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.