Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na balik na sa normal ang sitwasyon sa bahagi ng Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng ginawang pantataboy at pambobomba ng mga Chinese Coast Guard sa dalawang barko ng Pilipinas gamit ang mga water canon.
Ayon kay Lorenzana, nagpapatuloy na sa ngayon, ang resupply o paghahatid ng mga food supply para sa mga sundalong nakabantay sa naturang lugar.
Nanindigan din si Lorenzana na ang Ayungin Shoal ay saklaw ng Philippine Exclusive Economic Zone.