Balik na sa normal ang sitwasyon sa lalawigan ng Bohol at maging sa ilang panig ng Central Visayas.
Ito ay kaugnay ng pagpasok sa Inabanga, Bohol ng mga miyembro Abu Sayyaf Group (ASG) na naka-engkwentro naman ng militar.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, patunay na balik na muli sa normal ang Bohol ay muli na namang fully booked ang mga hotel at resorts sa Panglao.
“Mismong mga delegado ng ASEAN ay pumunta na diyan sa Bohol at namasyal bilang pagpapatunay at pagkilala na balik na po ang normal na sitwasyon sa bahaging yan ng bansa.” Ani Arevalo
Tiniyak naman ni Arevalo na palaging nakahanda ang militar na pigilan ang planong paghahasik ng karahasan ng Abu Sayyaf at ng iba pang bandidong grupo.
“Sinabi po ng ating pinuno, General Eduardo Año na ang aming Armed Forces of the Philippines ay nakahanda upang tugisin, supilin at pagsumikapan na hindi nila matuloy ang plano nilang gawing masama sa ating mga kababayan.” Pahayag ni Arevalo
By Ralph Obina | Karambola (Interview)
Sitwasyon sa Bohol balik na sa normal was last modified: April 24th, 2017 by DWIZ 882