“Business as usual” na ang sitwasyon sa Bohol matapos ang mainit na engkuwentro sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf group sa bayan ng Inabanga.
Masaya si Major General Jon Aying, ang commanding officer ng third infantry division ng Philippine Army, dahil napigilan agad ang anumang masamang plano ng bandidong grupo sa loob lamang ng bente-kwatro oras.
Nagkamali aniya ang Abu Sayyaf sa pag-aakalang hindi natunugan ng militar ang kanilang pagkilos mula Mindanao papuntang Visayas dahil bago pa man ang pangyayari ay natiktikan at napag-aralan na sila ng mga tropa ng pamahalaan.
Muli namang tiniyak ni Aying na nakaalerto ang militar, pulisya at local government units sa Bohol upang mapigilan ang anumang karahasan na maaaring gawin ng mga bandido.
By: Meann Tanbio