Unti-unti nang nagbabalik sa normal ang sitwasyon sa Houston, Texas sa Amerika matapos humagupit ang hurricane ‘Harvey’.
Ipinabatid ito ni Houston Mayor Sylvester Turner matapos magbalik sa kanilang mga bahay ang maraming residenteng una nang inilikas, pagbabalik serbisyo ng mga bus gayundin ng shipping channel sa lungsod.
Samantala, pinaghahanda naman ng US authorities ang kanilang mga mamamayan sa hurricane ‘Irma’ na lumalakas at nagbabanta sa Carribean at Amerika sa susunod na linggo.
Matatandaang nilalakad na ng White House sa Kongreso ang emergency funding para sa mga nasalanta ng hurricane ‘Harvey’.
Una rito, nagbigay na si US President Donald Trump ng isang milyong dolyar mula mismo sa kanyang bulsa.