Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Isabela dahil sa Bagyong Florita.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Isabela Gov. Rodito Albano na kanilang binabantayan ang sitwasyon sa lugar partikular sa mga posibleng pagbaha.
Sinuspinde na rin aniya ang pasok sa mga sakop nilang LGU, maliban na lamang sa mga nag-aasikaso ng relief items.
Hinimok rin ni Albano ang mga nasa pribadong sektor na huwag nang papasukin ang kanilang mga empleyado upang maiwasan ang disgrasya.
Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa ilang lugar sa Isabela dahil sa Severe Tropical Storm Florita.