Patuloy na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon sa ilang lugar sa Mindanao na nakararanas ng matinding pagbaha bunsod ng walang-tigil na pag-ulan.
Ayon sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), naka-deploy na ang kanilang mga search, rescue and retrieval at reactionary standby support force teams partikular na sa mabababang lugar.
Aabot sa 160 tauhan ng PNP ang nagbabantay sa nasa 119 evacuation centers at nagpapatrol sa mga lugar na iniwan ng mga lumikas.
Sa ngayon, patuloy na ginagawa ang search and rescue operations sa mga lalawigan ng Cotabato at Maguindanao na nakararanas ng malakas na pagbaha. —mula sa panulat ni Hannah Oledan