Balik na sa normal ang sitwasyon ngayon sa lalawigan ng Isabela makaraang bayuhin ito ng bagyong Lando.
Ayon kay Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy lll, halos dalawa hanggang tatlong araw ring nalubog sa baha ang hilagang bahagi ng lalawigan.
Sa ngayon anya ay nasa proseso na sila ng pagbangon at rehabilitasyon sa mga nasalanta ng bagyong Lando.
“Prepared naman po ang ating mga kababayan, hindi naman po ito ang kauna-unahan na ganito ang tumama sa aming probinsiya.” Pahayag ni Dy.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit