Manageable pa rin ang sitwasyon sa Kamara sa kabila nang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Binigyang diin ito ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza kayat walang pangangailangang i-lockdown ang mbabang kapulungan kung saan mahigpit aniya ang ipinatutupad nilng health safety measures kabilang ang no negative antigen results, no entry sa papasok sa Kamara.
Sinabi ni Mendoza na nabanggit na rin ni House Speaker Lord Allan Velasco at ilan pang opisyal ng kamara na hindi na kailangang lockdown lalot dalawang linggo na lamang ay magle lenten break na.
Tatapusin aniya ng mga kongresista ang pagtalakay sa mga mahahalagang panukala bago mag bakasyon ngayong holy week lalo pat 30% lamang ng workforce rito ang naka physical duty bilang pagtalima na rin sa direktiba ng Quezon City goverment.
Ipinabatid ni Mendoza na 29 na COVID-19 cases ang naitala sa Kamara o dalawa o tatlong porsyento lamang ng populasyon ng lower chamber bukod pa ito sa pagiging positibo sa virus nina Congressmen Jocelyn Limkaichong at Mike Defensor.