Itinuturing nang krisis ng Department of Energy ang sitwasyon ng supply ng kuryente sa Pilipinas
Ito’y dahil sa serye ng red at yellow alert status sa Luzon at Visayas, sa gitna ng init ng panahon.
Kaugnay nito, inihalintulad ni Energy Secretary Raphael Lotilla sa “Kalamidad” ang sitwasyon ng power supply sa bansa.
Ayon naman kay DOE Undersecretary Rowena Guevara, bagamat hindi aabot ngayong tag-init, maraming bagong planta ang magbubukas ngayong taon na may kapasidad na mahigit 4,000 megawatts.
Dahil dito, kampante si secretary lotilla na hindi na mauulit ang serye ng red at yellow alert status sa 2025. – sa panunulat ni Charles Laureta