Tiniyak ng Department of National Defense o DND na kontrolado ng militar ang sitwasyon ngayon sa Marawi City.
Sa pulong balitaan sa Moscow, Russia, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na batay sa impormasyong ipinarating sa kanya, tatlo (3) ang kumpirmadong nasawi na kinabibilangan ng dalawang (2) sundalo at isang (1) pulis.
Patuloy pa rin ang pagkubkob ng Maute Terrorist Group sa maraming bahagi ng Marawi kung saan, nawalan na rin ng suplay ng kuryente roon.
Paglilinaw pa ni Lorenzana, ang militar ang siyang naunang nagtungo sa lugar upang arestuhin ang Abu Sayyaf Leader na si Isnilon Hapilon at itinangging pumalya ang kanilang intelligence gathering at dissemination.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana
Kasunod nito, pinayuhan ng pamahalaan ang mga residente sa Mindanao na huwag munang lumabas sa kanilang mga bahay upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana