Wala pang namomonitor na malalaking thoroughfare accidents sa mga expressway palabas at papasok ng Metro Manila sa magdamag ang Toll Regulatory Board o TRB.
Ayon kay TRB Spokesman Bert Suansing naging maayos ang daloy ng trapiko sa mga toll ways bagama’t may mga napaulat na maliliit lamang na aksidente at banggaan ngayong bisperas ng Undas.
Dagdag ni Suansing, karamihan sa mga napaulat na maliliit na aksidente ay dahil nakaidlip o nakatulog ang mga drivers habang nagmamaneho ang mga ito.
Kasabay nito, nagpaabot ng paalala si Suansing sa mga motorista para sa maayos at ligtas na pagbiyahe.
“Pakiusap natin sa mga motorista hangga’t maaari kung kayo’y inaantok huwag niyo pong pilitin na bumiyahe, puwede naman po silang magpahinga sa ating toll service facilities, puwede silang magpahinga ng kahit saglit, may mga lay bay tayo sa tollways na puwede silang tumabi o magpahinga sandali, uminom ng tubig o kaya’y magpa-relyebo o magpapalit ng ibang driver upang maging matiwasay ang kanilang pagbibiyahe.” Pahayag ni Suansing
(Ratsada Balita Interview)