Nananatiling normal ang sitwasyon sa mga pantalan ngayong Mahal na Araw.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo na base sa pinakahuli nilang monitoring, nananatiling maluwag sa Batangas Port.
Mahigpit din aniya nilang binabantayan ang mga itinuturing na critical points kabilang na ang Batangas.
“Maging yung monitoring natin sa Central Visayas including ports ng Cebu, Iloilo, Bacolod, yung RORO routes sa kabila sa Eastern seaboard yung Matnog, yun meron nang konting pagtaas ng biyahe ng mga tumatawid dahil yung mga bus, pero in general, medyo ayos pa naman, wala pa namang malakihang volume nan ae-experience yung mga shipping companies at port operators.” Ani Balilo.
Idinagdag pa ni Balilo na sa ngayon ay wala pa namang demand para magdagdag ng special trips.
“Wala rin kaming naririnig na mga demands para magdagdag ng mga special trips, kung meron naman, yan naman ay pinapayagan ng Marina as long as nagpapaalam, at nagsu-submit ng mga tamang dokumento.” Pahayag ni Balilo.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita