Normal ang sitwasyon at tuloy ang pagdagsa ng mga turista sa Puerto Princesa Palawan sa kabila ng travel advisory na inilabas ng Estados Unidos at United Kingdom.
Sinabi sa DWIZ ni Pol. Supt. Silverio Bacsa, deputy director for operations ng Puerto Princesa Police Office, business as usual ang takbo ng buhay ng mga taga-lungsod.
Nagpulong aniya ang mga resort at hotel owners kasama ang PNP , Western Command at local government units at pinaigting ang police visibility sa mga lugar na malimit puntahan ng mga turista.
Tiniyak ni Col. Bacsa na ligtas puntahan at pasyalan ang Puerto Princesa sa kabila ng abiso ng U.S. at United Kingdom na may tangka ang Abu Sayyaf na mangidnap ng mga dayuhang turista.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Pol. Supt. Silverio Bacsa
Pagbabantay ng AFP at PNP sa Palawan mahigpit pa rin
Mahigpit ang cordon ng Armed Forces of the Philippines at philippine national police sa karagatang nakapaligid sa Puerto Princesa para hadlangan ang posibleng pagsalakay ng bandidong Abu Sayyaf.
Kasunod ito ng intelligence report ng Estados Unidos na tangka umanong mangidnap ng mga turista ang mga bandido sa Palawan.
Sinabi sa DWIZ ni Pol. Supt. Silverio Bacsa, deputy director for operations ng Puerto Princesa Police Office na nakahanda ang PNP at AFP at maging ang Coast Guard para hindi makapuslit ang mga bandido.
Bukod sa mga barko ng Western Command at Philippiine Coast Guard at mayroon ding naka-standby na choppers ang Philippine Airforce para mabantayan ang Puerto Princesa at El Nido sa Palawan.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Pol. Supt. Silverio Bacsa
By: Aileen Taliping