Balik na sa normal ang sitwasyon sa Quiapo Maynila, isang linggo matapos ang nangyaring kambal na pagsabog na ikinasawi ng dalawa (2) katao.
Ayon sa Philippine National Police o PNP, nagsimula nang magbukas ng kanilang mga puwesto ang mga negosyante sa mga lugar na malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.
Para di na maulit ang nangyari, dinagdagan na ng PNP ang mga pulis na maglilibot sa paligid ng simbahan ng Quiapo.
Tiniyak din ng mga residente sa Quiapo na agad makikipagtulungan sa PNP sa oras na may kahina-hinalang bagay o tao sa kanilang lugar.
By Ralph Obina
Sitwasyon sa Quiapo balik na sa normal was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882