Bigong makapasok sa semis ng Australian Open ang six-time champion na si Novak Djokovic.
Ito ay matapos masungkit ni South Korean tennis player Chung Hyeon ang pagkapanalo sa iskor na 7-6, 7-5, at 7-6.
Naging mahigpit ang labanan ng dalawa kung saan itinodo pa ng 30-anyos na Serbian player ang kanyang laro ngunit napayuko din ni Chung dahil sa matinding defensive skills nito.
Makakaharap ni Chung sa semi-finals ang US tennis player na si Tennys Sandgren.