Umabot na sa siyam ang naitalang nasawi matapos makaranas ng pag-ulan ng makakapal na mga niyebe o heavy snow sa Hokkaido, Japan.
Ayon sa Japanese self-defense force troops, kabilang sa mga biktima ang isang lalaki na natagpuang nakabalot ang katawan nito sa kaniyang anak para mapanatili ang mainit na temperature ng kaniyang anak at masiguro ang kaligtasan nito sa malamig na panahon.
Sa pahayag ng mga otoridad, mapanganib ang malamig na temperatura na nararanasan ngayon sa kanilang bansa.
Dahil dito, daan-daang mga sasakyan ang nastranded sa gitna ng kalsada bunsod ng makapal na yelo at naantala din ang biyahe ng mga tren habang nawalan naman ng suplay ng kuryente ang maraming residente dahil sa mga nagbagsakang niyebe.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang mga volunteer para mamahagi ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mga pamilya lalo na sa mga nastranded sa loob ng kanilang mga sasakyan.