Siyam na hinihinalang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute group ang naaresto ng pinagsanib-pwersa ng tropa ng pamahalaan sa Tubaran, Lanao Del Sur.
Ayon sa Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr., magsisilbi lamang sana ng warrant of arrest ang kanilang mga tauhan laban sa Maute group na nahaharap sa mga kasong murder at attempted murder nang bigla na lamang daw silang paulanan ng bala sa may bahagi ng barangay Paigoay.
Sinabi naman ni 103rd infantry Commander Brigadier General Jose Maria Cuerpo II, na nakatakas umano ang kanilang mga target na salarin.
Ngunit sa kabila nito, siyam na katao parin ang kanilang naaresto na kinilalang sina camaroden Tindug, Sabdullah Sarip, Oter Macaungun, Asnare Alisood, Alisood Dima, Sowaib Abdullah, Saaduden Adapun, Zaenal Abdulatip, at Aleem Salih Pitiilan.
Nasamsam din ng mga otoridad sa operasyon na ito ang dalawang M16 rifles, tatlong M16 magazines na may live ammunition, isang carbine,dalawang cal. 45 pistols, at isang improvised explosive device.
Agad namang itinurn-over sa 5th infantry brigade ang mga naarestong suspek.