Siyam na Japanese ang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa telecommunication fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kahapon pinasakay ang naturang mga dayuhan sakay ng Japan Airlines Flight sa Ninoy Aquino International Airport patungong Tokyo, Japan.
Ang naturang mga hapon ay wanted sa kanilang bansa dahil kabilang ang mga ito sa organized crime group na sangkot sa voice phishing at telecom fraud na nambibiktima ng marami nilang kababayan sa Japan.
Ito ang unang batch ng mga ipina-deport mula sa 36 na Japanese nationals na naaresto sa Makati City noong Nobyembre 13 noong nakaraang taon ng mga tauhan ng BI.
Sinabi ni morente na isinasapinal pa ang schedule nang deportation sa mga natitira pang naarestong Japanese na nakakulong ngayon sa BI detention center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.