Kinatigan ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang promosyon sa siyam na mambabatas na miyembro ng Reserve Senior Military Officers ng Armed Forces of the Philipines (AFP).
Ganap nang full-fledged colonel sina Senadora Loren Legarda, Senador Manny Pacquiao, House Speaker Bebot Alvarez at House Majority Leader Rudy Fariñas.
Gayundin sina Deputy Speaker Gwen Garcia, Cavite Rep. Roy Loyola at Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema at Rep. Marlyn Agabas ng Pangasinan.
Na-promote din si Davao Oriental Rep. Joel Mayo Almario pero hindi naihabol ng Philippine Air Force ang papel nito na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama rin sa mga napromote si Major General Rene Glen Paje na siyang bagong talagang commander ng first scout ranger regiment ng Philippine Army.
(Ulat at kuha ni Cely Bueno)