Nawalan ng tirahan ang siyam na pamilya matapos maabo ang kanilang bahay makaraang masunog dahil sa naiwanang sinaing ng nagngangalang Sito sa Barangay Gatid, Sta Cruz, Laguna.
Ayon sa mga otoridad, mabilis na kumalat ang sunog dahil gawa sa mga light materials ang mga naabong bahay.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan pero aabot sa isang milyon ang danyos sa naganap na sunog. —sa panulat ni Angelica Doctolero