Sumampa na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa pinagsanib na operasyon ng militar at pulisya laban sa mga bandido sa lalawigan ng Bohol.
Batay sa impormasyon ng militar at pulisya, tatlong sundalo, isang pulis at lima sa panig ng mga kalaban ang nalagas sa pagpapatuloy ng bakbakan.
Dumating na rin ang dagdag puwersa ng AFP sa bahagi ng inabangga na siyang sentro ng isinagawang airstrike ng mga awtoridad laban sa mga kalaban.
Bagama’t kinumpirma ni PNP Chief Dir/gen. Ronald Bato Dela Rosa ang pagpasok ng mga bandidong Abu Sayaf sa Bohol, patuloy pa rin itong kinukumpirma ng militar.
By: Jaymark Dagala