Sa loob ng limampung taon, marami nang naisakatuparan ang ASEAN sa iba’t ibang larangan.
Kung dati ay political ang strategic environment ng ASEAN, ngayon ay nakatutok na rin ito sa pagbuo ng mas maganda at malapit na relasyon sa mga kalapit na bansa hindi lang sa aspetong pulitikal kundi pati na rin sa aspeto ng investment, economy, trade, socio-cultural, climate change at ‘yung pagpoprotekta sa migrant workers.
Sa usapan naman ng trade, mas naging bukas pakikipagkalakalan dahil sa mga uniform agreements at regulasyon sa trading.
May temang… “Partnering for Change, Engaging the World” ngayong taon, mas alamin pa natin ang kahalagahan ng ASEAN sa kabuuang ulat ng SIYASAT.
PAKINGGAN: