Itinuturing na pinaka-ambisyosong proyekto ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatayo ng iba’t ibang imprastruktura sa iba’t ibang panig ng bansa na tinawag na “Build, Build, Build.”
Layunin ng Build, Build, Build Program na bahagi ng 10–point socio–economic agenda ng administrasyon o Dutertenomics na buhusan ng pondo ang mga infrastructure project na may kaugnayan sa transportasyon.
Ito’y upang maibsan ang sumisikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila, mga karatig lalawigan at sa ibang lalawigan; makalikha ng mas maraming trabaho at umunlad ang ekonomiya ng ibang rehiyon.
Aabot sa halos walong trilyong piso (P8-T) ang inilaan ng gobyerno sa susunod na limang taon para sa tinaguriang “Golden Age of Infrastructure” ng bansa.
Alamin ang malalimang pag–SIYASAT:
PAKINGGAN: Unang bahagi ng Build, Build, Build Program, ang pinaka – ambisyosong proyekto
PAKINGGAN: Pangalawang bahagi ng Build, Build, Build Program, ang pinaka – ambisyosong proyekto