Ang depresyon ay isa sa itinuturing na isa sa pangkaraniwang sakit ng World Health Organization o WHO sa buong mundo tulad ng diabetes, high blood pressure o cancer.
Ayon sa mga eksperto ang depresyon ay naiiba sa karaniwang kalungkutan o pag-iiba ng mood o pag-uugali ng tao lalo pa kung ito ay nagiging pang-matagalan at may kaakibat nang iba pang sintomas.
Ang depression ay isang tunay na sakit, hindi ito gawa-gawa lamang ng mga nakararanas nito.
Ito ay makabubuting mapag-usapan, hindi lamang ng mga dumaranas nito kundi ng lahat ng tao.
Dahil kung ito ay mabibigyan ng sapat na atensyon at pag-unawa, tulad ng ibang mga sakit, ang depresyon ay nagagamot at maaaring maiwasan.
Dapat na ding alisin mismo ng mga taong nakararanas nito ang paglalagay ng “stigma” o maling pananaw sa kanilang nararamdaman at hindi dapat matakot na lumapit sa mga espesyalista kung kinakailangan.
Gayunman, higit na mas kailangan ng mga taong nakararanas ng depresyon ang suporta at pag-unawa ng pamilya, kaibigan at mga kakilala.
PAKINGGAN
Unang Bahagi ng SIYASAT
Ikalawang Bahagi ng SIYASAT
—-