(SIYASAT—KBP’s Best Radio Documentary)
Marami nang buhay ang nabuwis.
Maraming pangarap na ang hindi naabot.
Dahil ito sa hazing na isang marahas na hakbang bilang bahagi ng initiation rites ng mga nais pumasok sa isang fraternity.
Tila nagkakalimutan na sa mailap na hustisyang dapat makamtan ng mga biktima ng hazing.
Naglaho man sa mundo, patuloy ang pag-asa ng mga mahal nila sa buhay na makukuha pa rin ang inaasam na katarungan para sa pinahirapang kaanak.
Muling nabulabog ang publiko ng panibagong insidente ng hazing at ang pinakahuling biktima …si Horacio Tomas Castillo III.
Sino ba si Atio Castillo bago masawi sa kamay ng mga itinuturing nitong ka-brod?
Ano ba ang mga pahirap na sinapit ng UST freshman Law student nang sumalang sa hazing?
Dito nabuhay ang mga naunang kaso ng hazing na tila nakaligtaan na bagamat pinanday ang isang Anti-Hazing Law o Republic Act 8049 matapos ang pagkasawi ng controversial hazing victim Leny Villa sa kamay ng mga kasamahan sa Aquila Legis Fraternity ng Ateneo de Manila University.
Ano ba ang nakasaad sa naturang batas?
Sinu-sino ba ang mga naging biktima ng hazing?
Narito ang report:
PAKINGGAN: Unang Bahagi ng SIYASAT
Ikalawang Bahagi ng SIYASAT
—-