Dalawampung porsyento ng papulasyon ng buong mundo ay mga bata.
Sa pinakahuling bilang, mayroong 2.2 bilyong bata sa buong mundo.
At araw-araw, nadaragdagan ito ng mahigit sa 300,000 sanggol na ipinapanganak mula sa iba’t ibang panig ng ating planeta.
Dahil sa kanilang murang isipan at kawalan ng lakas para maidepensa ang kanilang mga sarili, maraming bata pa rin ang madalas na naaabuso.
Ang mga insidente ng pang-aabuso sa mga bata ang nagtulak sa United Nations upang buuin ang UNICEF o tinatawag ring UN Children’s Fund.
Ang UNICEF ang nagbabantay kung maipatutupad ang UN Declaration of the Rights of the Child na nilagdaan ng mga miyembrong bansa ng UN.
Dito nakapaloob ang mga karapatan ng kabataan at ang obligasyon ng kanilang mga magulang at estado na masigurong lahat ng karapatan ng mga bata ay kanilang tinatamasa.
At upang gunitain ang pagkabuo ng Declaration of the Right of the Child ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang International Children’s Day tuwing ika – 20 ng Nobyembre.
Gayunman, mahigit 60 taon simula nang magkaroon ng tratado para sa karapatan ng mga bata ay marami pa rin sa ating mga kabataan ang nakararanas ng pag abuso sa iba’t ibang panig ng mundo.
Tinukoy ng UNICEF na hanggang ngayon ay mayroon pang 385 milyong mga bata na nasa extreme poverty line, higit 250 milyong mga bata ang hindi nakakapag-aral at 5.6 milyong mga batang edad lima pababa ang namatay dahil sa sakit.
Iniisa-isa sa Declaration on the Rights of the Child ang mga karapatan ng mga bata na kahalintulad rin ng karapatan ng mga nasa hustong gulang na.
Nakalista rin sa deklarasyon ang mga proteksyon para sa mga bata at kung paano dapat tinutugunan ang kanilang mga pangangailangan. Narito ang malalimang report.
PAKINGGAN:
Unang Bahagi ng SIYASAT
Ikalawang Bahagi ng SIYASAT
—-