Halos araw-araw na ang mga aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 o MRT-3.
Sa katunayan inaasahan na ng publiko ang problemang kakaharapin kada araw sa pagsakay sa nasabing train system.
Hindi na nga raw balita ang araw-araw na aberyang nangyayari sa MRT-3 at itinuturing na lamang itong bahagi na ng buhay.
Subalit tila malalim ang dahilan ng mga aberyang ito sa MRT-3.
Kumikilos naman ang gobyerno at sa katunayan ay may mga paraan nang ginagawa para maibsan ang mga aberya sa itinuturing na “busiest” o pinakamaraming pasahero sa tatlong rapid transit lines sa Metro Manila at dinadagsa ng mahigit kalahating milyong pasahero.
May alternatibo ba sakaling itigil muna ang operasyon ng MRT-3?
May kumpanya bang handang saluhin ang maintenance operations ng naturang train system o may magandang bukas ba kung ibabalik ito sa dating maintenance provider na Sumitomo?
Sa kabila ng mga aberyang ito sa MRT-3, bakit patuloy pa rin itong dinadagsa ng mga commuter?
May pakinabang pa rin ba ang MRT-3 kumpara sa iba pang pampublikong transportasyon, kahit pa may mga problema sa operasyon nito?
May matindi pa bang aberyang kakaharapin ang mga commuter ng MRT-3 sa naganap noong November 16 kung kailan kumalas ang isang bagon sa iba pang bahagi ng tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations?
Alamin ang mga kasagutan sa malalimang pag-SIYASAT ng DWIZ. Narito ang report:
PAKINGGAN:
Unang Bahagi ng Siyasat
Ikalawang Bahagi ng Siyasat
—-