Humayo kayo’t magpakarami…
Ang mga katagang sinabi ng Panginoong Diyos noong kaniyang lalangin ang mundo.
Ngunit hanggang sa ngayon ba ay nananatili pa rin bang utos ito?
Naangkop pa rin ba ito sa panahon ngayon kung saan mabilis ang paglaki ng populasyon sa mundo.
Salat sa maayos na tirahan at masustansyang pagkain; kawalan ng edukasyon at malapit sa sakit; ito ang mukha ng kahirapan dulot ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang panig ng mundo ay problema ito.
Ito ay nararamdaman dahil sa malawakang epekto sa resources ng mundo kahit pa ang kalikasan ay apektado.
Ang paglaki ng populasyon ay isa sa mga banta sa mayamang kalikasan dahil sa mas lalong lumalaking demand at mabilis na pagkonsumo ng mga likas na yaman.
Ngunit sa kabila ng nararanasang hirap at bantang kaakibat, patuloy pa rin ang paglobo ng populasyon.
Ilan sa mga pangunahing dahilan ng patuloy na paglaki ng populasyon ay teenage pregnacy at kawalan ng kaalaman sa family planning.
Sa panahon ngayon sinasabing mas lumalala ang pagka-ugnay ng mga kabataan sa pre-marital sex na nagreresulta sa teenage pregnancy.
Mas batang bumuo ng pamilya mas malaki ang tyansang lumaki ng husto ang pamilya lalo na kung salat ito sa kaalaman sa family planning.
Kaya’t malaki rin ang papel ng gobyerno sa paglobo ng populasyon na silang bubuo ng konkretong solusyon para makontrol ito.
Samahan kami at ating siyasatin ang mas lalo pang paglaki ng populasyon sa Pilipinas.
Pakinggan ang buong Siyasat — Paglobo ng Populasyon: http://bit.ly/2ZoyYcr