Kanin ang pangunahing pagkain dito sa Pilipinas.
Kaya naman malaking usapin kapag ang bigas at palay na ang nagsimulang gumalaw ang presyo sa merkado.
Ang pagpapababa sa presyo ng bigas ang pangunahing dahilan kaya isinulong at ginawang batas ang Republic Act 11203 o kilala bilang Rice Tariffication Law.
Sa ilalim ng bagong batas ay bubuksan ang unlimited importation ng bigas para mapababa ang presyo nito sa merkado.
Layon din nitong mapababa ang production cost ng pagtatanim ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay ng makinarya, pagbibigay ng training, magandang binhi at loan grants sa mga magsasaka.
Ngunit bago pa naging second largest rice importer ang Pilipinas pangalawa sa China ay nagawa na ng bansa na maging rice sufficient noong 1970’s.
Noong mga panahon iyon ay mismong ang Pilipinas ang siyang nagsusupply ng bigas sa mga kalapit bansa nito tulad ng Indonesia, China at Myanmar.
Nag-aral pa ng pagtatanim ng palay sa International Rice Research Institute (IRRI) ang mga Vietnamese.
Ngunit ngayon, kabilang bansang Vietnam sa kinukuhanan ng bigas ng ating bansa.
Posible ba na ang batas na Rice Tariffication Law ay ang maging susi para muling makuha ng bansa ang rice sufficiency?
Ito na ba ang magiging pamamaraan para mapalakas at magawa nang makipagsabayan ng mga Pilipinong magsasaka sa mga kasama nito sa Timog Silangang Asya?
O ito na ba ang batas na papatay sa mga magsasaka ng palay?
Alamin bukas sa Siyasat — Rice Tarrification Law: https://www.facebook.com/dwiz882/