Forever ang nais ng mga nagmamahalan kaya sila nagpapakasal.
Nakapaloob sa forever na ito ang pagbuo ng isang masayang pamilya na binubuo ng tatay, ng nanay at kanilang mga anak.
At upang maabot ang forever, maraming sakripisyo ang dapat gawin ng mag asawa tulad na lamang ng pagtanggap sa kung ano ang pagkatao ng isa’t isa.
Pero paano kung sa pagdaan ng panahon ay magkaroon ng pagbabago ang pagsasama ng mag asawa, at magkaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng bawat isa?
Paano kung sa halip na masayang pamilya ay maligalig at magulo na ang loob ng tahanan na hindi maganda para sa mga bata?
Paaano kung umabot na sa sukdulan ang pagtitiis, tatagal ka pa ba?
Mula pa noong 14th congress ay hindi nawawala sa mga inihahaing panukalang batas ang diborsyo.
Gayunman, pinakamalayong naabot nito ay nang pumasa ito sa ikatlong pagbasa ng komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong 17th congress.
Muli itong binuhay ngayong 18th congress dahil panahon na raw para magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.
Handa na nga ba ang mga Pilipino sa diborsyo?
Abangan sa Siyasat, bukas, Sabado (Setyembre 7): Siyasat — ‘Til divorce do us part?’