Maglalaro si Gilas Pilipinas point guard, SJ Belangel para sa isang koponan sa Korean Basketball League (KBL).
Nabatid na ang kontrata ng 5’11 guard ay para sa koponang Daegu Korea Gas Corporation para 2022-2023 season.
Dahil dito, ang 22-anyos na guwardiya ang kauna-unahang pinoy import sa KBL.
Matatandaang si Belangel ang umiskor ng buzzer beater na tumalo sa South Korea sa Fiba World Cup Qualifiers.